Location: Does it Matter?
Aba syempre! The location of any business is one of the major factors that you have to consider. Kahit napakaganda at napakasarap ng products mo kung wala namang bibili e walang saysay yun. Magpunta ka lang sa palengke marami ka nang matututunan about business location. Ano ba mga dapat iconsider in choosing the best location for your business?
a. Study the Enemy. Kailangan mong pag-aralan ang mga kalaban mo. How they are doing? Nakakaraos ba sila? Anong malakas sa kanila? Ano mga strategies nila to get customers? What time sila nagbubukas? What time sila nagsasara?
b. Consider the Big Fish Strategy. Sa dagat, ang mga mas maliit na isda ang pagkain ng mga mas malaking mga isda. In the same way, ang malilit na business ay makakain ng mas malalaking business.
Big business doesnt necessarily mean big place but in some scenarious its true. Example: Nagtayo ka ng tapsilogan mo na napansin mo malakas kasi nagiisa ka pa lang sa lugar niyo. And then after 2 months may nagtayo malapit sayo ng isa pang tapsilugan with the same price at may mga sizzling pa. Kadalasan, ang tao pupunta sa mas maraming options.
c. Study the Population. Make sure alam mo kung anong klase ng tao ang dumadaan sa location mo. Student ba? high school student? college? Professionals? Tuwang-tuwa ka kasi nilagay mo malapit sa school kaso Elementary school. Ang benta mo ng product mo e P60.00 sa palagay mo may bibili sayo?
d. Study Safety and Security. Pansinin mo, ang mga foreign business investors dumadami lang sila kapag alam nilang credible ang safety and security ng isang bansa. Dapat mo din alamin kung ano ba ang history dun sa lugar. Baka naman linggo linggo may nagbabarilan dun or pugad pala yun ng mga kawatan. Bahain ba? Magulo ba yung lugar? Malapit ba sa Police Station? Huwag padalos dalos sa pagkuha ng location.