09566346104
"We dont just sell carts. We offer Partnership."
Foodcart Avenue
Affordable Food cart Franchise Philippines
So Why Franchise With US?
Ito naman ang package na pwede mong simulan kung wala ka pang kapital para simulan ang foodcart franchise business mo. Sa halagang P11,200, maaari ka nang maging dealer or distributor ng Health and Wellness products ni Ms. Maritoni Fernandez. Ang kagandahan pa rito ay may standby downpayment ka na sa Future foodcart mo na 11,200. Ibabawas yan sa Franchise Fee na iyong ibabayad.
Ito naman yung inooffer ko sayo. Ang Starter Franchise Package ang Best Seller sa lahat ng packages na meron kami. Mayroon na siyang Foodcart Franchise complete package at meron pa siyang worth 40,000 plus na Health and Wellness products. Sa package nito din ikaw ay eligible sa Just 4 You Program ng company. Later on ipapaliwanag ko siya.
Ito naman ang Platinum Package. Sa halagang P112,000, may High End Cart kana na kumpleto na ang inclusions. Ito ay eligible din sa tinatawag na Just 4 you program.
Unang Features kung bakit sa amin ka mag fa franchise ay wala kaming Royalty Fee at Renewal Fee. Ang Royalty fee ang kinakaltas sayo ng franchisor mo sa buwanan mong kita at ang Renewal fee naman ang ibabayad mo sa pag rerenew mo ng kontrata. At dahil wala kaming ganito, Walang pressure sayo sa pagbabayad. What if nagastos mo ang pera? Hindi mo na kelangan pang mangutang para lang magbayad sa amin. Dahil din dito mas mapapabilis ang pagbalik ng puhunan mo dahil natatabi mo ang kita mo.
Mas maganda ding mag franchise sa amin dahil wala kaming Quota. Ibig sabihin malaya kang makakapili ng dami at klase ng produkto na gusto mong bilhin. Kung mas madami ang bumibili ng siomai sa lugar mo e mas nararapat lang na ang bilhin mong produkto ay siomai. Hindi ka namin pipilitin o irerequire na magbenta ng siopao kung ang malakas sa lugar niyo ay siomai. So walang pressure sayo at mas effective ang sales mo.
Isa pa sa benefit kung sa amin ka bibili ng prangkisa ay mayroon kaming sariling factory at supply ng aming mga produkto. So hindi ka mangangamba sa supply ng produkto mo dahil hindi ka mauubusan.
Another benefit is mayroon kaming High Quality Products. Kaya naman tayo ang nag susupply sa mga leading supermarkets nationwide tulad ng Puregold. So sarap at linamnam ng produkto natin ay marami ang bumabalik balik sa pagbili nito.
Mayroon din kaming Sistematikong Operations manual at training. Ito ang isa sa pinakamahalagang dapat mong ikinokonsidera sa paghahanap ng isang foodcart franchise business. Dahil mayroon kaming ganito, Hindi ka mangangapa sa lahat ng iyong gagawin. Ikaw ay well equipped sa pagpapatakbo ng iyong negosyo.
Isa pang dahilan kung bakit mas magandang sa amin bumili ng prangkisa ay dahil mayroon kaming Site analysis assistance. Hindi kami ang hahanap ng iyong pwesto pero kami ay tutulong sayo sa pagaaral ng nakita mong location kung ito ba ay maganda para sa napili mong foodcart concept. So Malalaman mo kung pasado ba ang location o hindi. Magiging mataas ang probability o chance na maganda ang makukuha mong pwesto. So mas mattas din ang chance ng success ng iyong negosyo.
Hindi ka rin mag aalala dahil lahat kami ay willing at handang sumuporta sayo sa pagpapatakbo mo ng negosyo mong ito. Tandaan mo, hindi ka lang bumili ng foodcart. Ito ay isang Partnership. Pagtutulungan nating palaguin ang iyong business.
Ito naman ang Best offer na meron kami na wala sa ibang foodcart business. Meron kaming additional na marketing compensation program. Ito ay optional lang naman. Maaari mo siyang iapply sa business mo or pwede ring hindi. Pero ang payo ko ay iapply mo siya para ma maximize mo ang potential ng iyong negosyo. So ano ba itong Marketing Compensation Program na ito?
Kapag ang isang kompanya ay nageexpand at nag bebenta ng kanilang produkto, sila ay nag aadvertise at nagpopromote sa TV, sa radyo, at sa billboards. Milyon ang kanilang nagagastos sa bagay na ito. Pero hindi yan ang Marketing Strategy na ginamit namin para ipromote ang aming mga produkto.
Kami ay gumamit ng Word of Mouth Marketing o Social Network Marketing. Ito ay ang pag popromote ng produkto sa pamamagitan ng kuneksyon ng mga ahente.
Pero ang naisip ng CEO ay wag na lang kumuha ng mga ahente kundi ibigay na lang sa mga Franchisee ang commission para pandagdag din sa kanilang kita.
So ikaw ay maaari ng mag Refer ng kakilala mo na interesado ding mag franchise at sa iyo ibibigay ang commission.
Ang Just 4 YOU Program ang the best na bonus sa package na ito. So papaano ba siya? Kapag ikaw ay naka-apat na refer at sila'y kumuha din ng Starter Franchise Package ay may additional kang P40,000 na bonus. Ang maganda pa rito ay kahit gaano katagal mo siya makumpleto ay walang problema. Basta makumpleto mo ang apat may bonus ka. Hindi lang yun, ito ay unlimited din. Ibig sabihin kapag naka-apat ka ulit ay bibigyan ka ulit ng company ng 40,000.