09566346104
"We dont just sell carts. We offer Partnership."
Foodcart Avenue
Affordable Food cart Franchise Philippines
tip no.4
Tips kung anong klaseng Franchisee ang Hinahanap ng mga Franchisor
Kung ikaw ay naghahanap ng isang magandang Foodcart Franchising company aba e ang mga Foodcart Franchising companies din ay naghahanap ng perfect na kapartner nila na magdadala ng kanilang pangalan o trademark. Makikita mo na ang magagandang company na to ay hindi nagmamadali sa pagbenta ng foodcart nila kundi sinusuri muna nilang mabuti kung ang potential franchisee ay mapagkakatiwalaan sa pangalan at sa negosyong kanyang papatakbuhin.​ Ito ay ang mga natutunan ko sa isang Franchising Seminar kung saan itinuro ang mga characteristics na hinahanap ng mga Franchisors.
1. Financially Able - Have financial capability. May kakayahan ka bang maglabas ng puhunan at may Reserve fund ka ba? Hindi ka naman kasi dapat pabigla bigla sa decision mong pumasok sa isang negosyo. Dapat nagiipon ka para may pang sustain ka pagpapatakbo nito. Kung baga, kelangan mong magkaroon ng Reserbang Pisi kung hindi man mahaba.
2. Submissive - Has the attitude and the ability to follow a provided system. Kung ikaw yung klase ng tao na mahilig mag imbento at gumawa ng sariling diskarte at produkto e hindi ka para franchising business. Ang franchising ay ang pagpapasa ng Proven System sa isang franchisee. So sa simula pa lang nililinaw na ng franchisor ang mga agreements tungkol dito. Kailangan maconvince mo si Franchisor na susundin mo ang ipoprovide niyang sistema at hindi mo ito babaguhin.
3. Willing - Interested in the brand and franchise offer and willing to undergo training. Make sure na gusto mo talaga ang food business. Wag mong pilitin ang sarili mo sa hindi mo naman talaga gusto. Dapat willing ka din maglaan ng time at effort na ummattend ng trainings na ipoprovide ni potential Franchisor.
4. Sufficient experience and ability to get location - Syempre may advantage ang may experience ka na sa pagmamanage ng negosyo or pakikipagusap sa mga customers. Isa ding tinitignan ni Franchisor ang kakayahan mo at determinasyon mo sa paghahanap ng possible at magandang location para sa potential mong foodcart franchise concept. Kailangan maipakita mo sa interview na positibo ka na makakahanap ka ng pwesto.
​
​
Most Wanted Franchisees