top of page

    5 Bagay na dapat mong ikonsidera sa paghahanap mo ng Magandang Pwesto para sa iyong Foodcart Franchise Business

Tips sa paghahanap ng magandang location

tip no.3

1. Safety. Kailangan safe and secured ang pwesto na pipiliin mo. Hindi ba binabaha? What about the crime rate in the area? Hindi ka ba mababangga ng sasakyan?


2. Foot Traffic. Kelangan malaman mo din kung madami bang tao ang dumadaan sa prospect mong pwesto. Sino ba ang karamihang dumadaan? Anong oras mas madaming dumadaan?


3. Rent Cost. Aba syempre kahit maganda ang pwesto e kelangan maganda din naman ang presyo. Swak ba sa budget mo ang renta? Ang mga malls ay kadalasang nagpapaupa ng 20k to 25k. Kung sa bara baranggay lang naman e 4k is reasonable.

4. Competition.   Tignan mo din kung gaano kadami ang kakompetensya mo dun sa iyong balak paglagyan. Wag mo nang ipilit dun sa lugar na matagal na silang nakapwesto at pare parehas pa kayo ng produkto na inaalok.

​

5. Positive MindsetDapat e hindi ka negatibo kapag naghahanap ka ng location mo. Kadalasan kaya hindi nakakahanap ang mga franchisees ng pwesto para makapag start sila ng foodcart franchise business nila e dahil nawawalan sila agad ng pagasa. Kapag inisip mong hindi pwede doon or mahirap makakuha ng pwesto e talagang mawawalan ka ng ganang humanap ng location mo. Always be positive.

​
 

bottom of page